Huwebes, Pebrero 2, 2017

Ang Pagtanaw ng Utang na Loob (Naratibo)



                     

                                           Ang Pagtanaw ng Utang na Loob

                         Sabado ng umaga. Maagang nagising si Pikay. Nakagawian na niyang tumulong sa mga gawaing bahay kapag walang pasok. Siya'y kaisa-isang anak ng pamilyang San Francisco. At sa di ka ginsa-ginsa'y may narinig siyang kakatwang ingay sa labas ng kanilang bahay. Nakabalot sa puting tela. Itinaas ang kaniyang kamay at kinamut-kamot ang ulo. Ang dalawa niyang mabibilog na mata ay walang kakurap-kurap na nakatitig sa mukha ni Pikay ang sanggol. Ang kaniyang bibig ay isang munting "O" na sinusungawan.
                          Walang alinlangang kinuha ni Pikay ang munting sanggol at dali-daling pumasok sa kanilang bahay. Hinanap niya ang kanyang Ina. "Inay, may sanggol." tawag ni Pikay na abalang- abala sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang anak sa kaniyang kinalalagyan. "Abay anak naman! Baka nga iniwang iyan ng kaniyang Ina dahil siguro'y hindi alam ang gagawin at hindi kayang buhayin." Inakay ng Ina papsok sa munti nilang kusina. Binuhat ng kaniyang Ina ang sanggol. Umingit-ingit ito nang maramdaman ang init na katwan ng sanggol. Binigyan ng gatas at siya'y binihisan ng damit na binili pa ng Ina ni Pikay. Sumagi sa isip ng dalaga na magtanong sa kanyang Inay kung bakit may mga magulang na iniiwan na lang kung saan ang mga sanggolat bakit pang tinatawag na biyaya ng Diyos kung sadyang di mawala-wala ang ganitong sitwasyo na ika nga ang sanggol ay biyaya ng PoongMaykapal. Tiniyak ng Inay niyang maksagot ng maayos na may iba't iba tayong antas ng pamumuhay, karanasan, desisyon at dahilan kung bakit natin ginagawa ang ang mga gawain sa mundo. Tuwang-tuwang sumagot ng maraming salamat si Pikay dahil may natutunan na naman siya sa kanyang Ina.
                        Mula noon, naging lalong maigla ang pamilyang San Francisco. Inampon at tinuring na totong bahagi ng pamilya ang sanggol. Pinangalang Tonyo ang batang kanilang kinupkop. Siya'y naging kapatid ni Pikay. Si Pikay ay nag-aral nang mabuti at siya'y nakapagtapos ng pag-aaral, kalaunan ay nagkaroon agad ng trabaho si Pikay para sa kaniyang kinabukasan at sa kaniyang pamilya. Naging masaya si Pikay sa lahat ng mga nangyayari sa kanilang buhay lalong-lalo na makapiling ang boung pamilya. Isang buwang ang nakalipas nagpasyang magpaalam si Pikay sa kaniyang pamilya dahil sa kaniyang trabaho. "Tonyo, alam kong ilang araw akong wala sa tabi niyo. sana'y algaan mo sina Inay at Itay. Ikaw ay mag-aral nang mabuti para sa iyong kinabukasan.", habilin ni Pikay sa kaniyang kaptid bago bumitaw sa pagyakap si Pikay sa kaniyang kapatid. Sumagot ng maayos at taos pusong sinambit ang katagang, "Ate, syempre naman po. Wag kang mag-alalala ate. Mag-ingat ka sa biyahe mo." Nang makaalis si Pikay nagpasya ang pamilya na matulog na lang ng maaga. Mahimbing ang tulog ng mag-asawa. Dakong hatinggabi, nagising si Tonyo dahil siya'y nauhaw at naamoy niya ang usok. Dali-dali niyang ginising ang mag-asawa. "Teka parang malinawag sa labas!."puna ng Itay ni Tonyo. Dali-daling binuksan ni Tonyo ang bintana. Agad dumungaw ang mag-asawa. Nakita nilang malapit ang sunog sa kanila. Nagsisimula pa lamang ito. "Aba'y may sunog sa kusina nina Pareng Takir! Tulog pa sila!Tonyo sumama ka sa iyong Ina tatawag ako ng bumbero."sunud sunod na sabi ng tatay. kasama ang Ina at ilang mahahalagang dala-dalahan, pumunta agad sila sa ligtas na lugar. Di naman nagtagal at naapula ang sunog. Maaga kasing dumating ang bumbero. Nang makauwi na sila sa bahay ay mag-uumaga na at salubong ang mainit na yakap ni Pikay sa kaniyang pamilya. Biglaang pag-uwi ang naganap kay Pikay. Yakap-yakap ni Pikay ang kapati na si Tonyo. "Kung hindi naalimpungatang gumising si tonyo baka nasunog pati ng bahay natin." sabi ni Itay. "OO nga. salamat Tonyo. hulog ka nang langit." maluha-luhang sabi ng Ina ni Pikay sabay himas sa ulo nito. At sabi ni Tonyo mahalaga ang magkakasama tayo bilang buong pamilya. nakita ni Tonyo na ang mga namuong tubig sa namumulang mata ng kaniyang Ate ay tuluyang tumulo sa mga pisngi niyon. "Maraming Salamat sa pangangalaga ng ating pamilya.",sabi ni Pikay.  

#HiyasSaFILIPINO  

Panimula

                        Ang blog na ito ay ginawa ng mga mag-aaral ng Antique Vocational School (Grade 11-Bonifacio). Nakalakip dito ang pagpapahayag ng kanilang damdamin at paraan upang mapaunlad ang kaalaman ng mga kabataan. Nais ng blog na ito na ito ay makakatulong at makakapagbibigay ng karagdagang kaalaman o ideya sa ibang mag-aaral. Sa simpleng paraan na ito ay magkakaroon tayo ng kaalaman na mas lalo nating maiintindihan ang mga bagay sa simpleng pamamaraan. Kaya, halina't bumisita sa aming blog. #HiyasSaFILIPINO